|
||||||||
|
||
20170614melo.mp3
|
Sagupaan sa Marawi City, maaaring magtagal pa
HINDI na muna magtatakda ng panahon ang Armed Forces of the Philippines upang tapusin ang problemang dulot ng Maute sa Marawi City. Sa isang press briefing, sinabi ni Brig. General Restituto Padilla, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines, na wala na munang deadlines sapagkat maaaring magtagal pa ang pagbabalik ng kaayusan sa Marawi City.
Magugunitang itinakda ni AFP Chief of Staff General Eduardo Ano na matatapos ang sagupaan noong Lunes, Araw ng Kalayaan. Mahalaga umano ang petsa para sa kanila sapagkat ito'y Independence Day.
Kahit ano pa man ang mangyari ay naitaas ang watawat ng Pilipinas sa Marawi City Hall at maging sa kapitolyo. Pumasok na sa ika-23 araw ang sagupaan sa Marawi City kaya't nagdeklara ng Martial Law si Pangulong Duterte.
Iba umano ang estratehiya kung ang mga sagupaan ay nagaganap sa lungsod na may mga gusali. Mayroon pang mga sibilyang napapagitna sa mga sagupaan kaya't mahirap na sugpuin ang Maute.
Ipinaliwanag pa ni General Padilla na iba ang "rules of engagement" sa kagubatan at kabundukan kaysa sa mga lungsod. Sa 96 na barangay ng Marawi City, apat na lamang ang problemado na kinalalagyan ng mga Maute.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |