|
||||||||
|
||
Pagkakaisa, kailangan sa pagsugpo sa child labor sa Marawi City
NANAWAGAN si Labor Secretary Silvestre Bello III sa iba't ibang tanggapan ng pamahalaan at mga samahang sibiko na makiisa sa pagsugpo ng child labor kasunod ng mga balitang napapagitna ang mga kabataan sa puwersahang pagtatrabaho sa magugulong pook tulad ng Marawi City.
Nababahala umano siya sa lumabas na mga ulat na puwersahang isinasama ang mga bata sa labanan bilang mga mandirigma o mga mata o espiya ng mga armado.
Tiyak na makasisira ng kabuhayan ang kaguluhan na dahilan ng paglikas mula sa kanilang mga tahanan. Karamihan sa mga kabataan ang tumutulong sa kanilang mga magulang upang mabuhay. Kailangan ang malawakang solusyon, dagdag pa ni Secretary Bello.
Kabilang sa pinakamasamang paglabag sa pandaigdigang kalakaran ang paggamit sa mga kabataan sa digmaan. Ito ang napapaloob sa International Labor Organization Convention 182 sapagkat paglabag ito sa karapatang pangtao ng mga kabataan. Kailangan ang pakikiisa ng mga pamahalaang lokal, civil society, mga alagad ng media, mga magulang at mga kabataan mismo.
Mula 2012, ang United States Department of Labor ang nagpapuri sa programa ng pamahalaang Filipino sa pagsugpo sa child labor.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |