|
||||||||
|
||
Nawawalang Filipina, pinangangambahang kabilang sa nasawi sa sunog
FILIPINO, PINANINIWALAANG NASAWI SA SUNOG. Inilabas ng Embahada ng Pilipinas ang larawan ni Gng. Ligaya Moore na hindi pa natatagpuan sa suons na naganap sa isang gusali sa London. Bahaman, amassa ang embahada na matatagpuan pa ang labi ng biotina. (Philippine Embassy/London/Facebook Upload)
IKINALULUNGKOT ng Embahada ng Pilipinas sa London na sa likod ng kanilang paghahanap sa pakikipagtulungan sa Metropolitan Police at Filipino community sa London, hindi pa natatagpuan si Gng. Ligaya Moore.
Ibinilang na siya ng Metropolitan Police sa mga pinaniniwalaang nasawi sa sunog sa Grenfell Tower. Nasabihan na rin umano ang mga kamag-anak. Nakikiisa ang Embahada ng Pilipinas sa London sa pamilya at sa pag-asang matatagpuan ang kanyang labi.
Inulit ng Embahada ng Pilipinas sa kanilang Facebook account na nananawagan sila sa mga biktima na makipagtulungan upang marating ng Overseas Workers Welfare Administration, Department of Foreign Affairs at Filipino community. Kailangan lamang ipadala ang kanilang mga pangalan at kinalalagyan sa pamamagitan ng email sa address na grenfellpinoy@gmail.com at sa pamamagitan ng text sa bilang 07802790695.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |