Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Interes at kaligtasan ng mga manggagawa prayoridad pa rin ng pamahalaan

(GMT+08:00) 2017-06-19 18:43:23       CRI

High grade shabu, natagpuan sa piagkutaan ng Maute

SHABU, NATAGPUAN SA PINAGKUTAAN NG MAUTE.  Makikita sa larawan ang siansabing high-grade shabu na nagkakahalaga ng mula sa P110 hanggang P250 milyong piso.  Ang illegal na gamot ay natagpuan sa tahanang pinagkutaan ng Maute sa Malawi City.t  (AFP Western Mindanao Command Photo)

MAY 11 pakete ng high grade shabu na tumitimbang ng 11 kilo ang nabawi ng mga kawal sa Marawi City kagabi sa pagpapatuloy ng mga sagupaan.

Ayon sa pahayag ni Capt. Jo-ann Petinglay ng Philippine Army, ang mga kawal sa ng Alfa Company sa ilalim ng isang 1Lt. Emerson Tapang ng 49th Infantry Battalion ang nakatagpo ng shabu at apat na high-powered firerarms matapos makasagupa ang mga armado.

Nakita ng mga kawal ang mga nakaitim na kalalakihan mula sa mga tahanan kaya't itinuloy ang operasyon. Tinatayang aabot mula sa P110 hanggang P250 milyon ang halaga ng droga. Nakabawi rin ang mga kawal ng pakete ng shabu sa pinagkutaan ng mga Maute.

Ayon sa mga kawal, lumalabas na kargado ng droga ang mga Maute na kanilang nasagupa.

Ani Lt. General Carlito Galvez, commander ng Western Mindanao Command, ito na ang pinakamalaking halaga ng drogang nabawi ng pamahalaan. Naniniwala ang heneral na gumagamit ng bawal na gamot ang mga Maute. Hindi umano mga Muslim ang kanilang nakakasagupa sapagkat gumagamit ng bawal na gamot na ipinagbabawal ng kanilang pananampalataya.

Sinabi naman ni Brig. General Rolando Joselito Bautista ng Tabak Division na ginagamit ng mga Maute ang mga mosque bilang mga kuta.

1  2  3  4  5  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>