|
||||||||
|
||
Paglilitis ng mga Maute gagawin na sa Taguig
SUPORTADO ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno ang panawagan ng Department of Justice na ilipat na sa Taguig City ang paglilitis ng mga Maute na akusado ng pagsalakay sa Mindanao.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, nagkausap sila ni Chief Justice Sereno at nagkasundong ang pagdinig sa kasong rebelyon at iba pang usapin at gawin na lamang sa Special Intensive Care Area ng Camp Bagong Diwa sa Taguig sa dahilang pangseguridad.
Magtatayo ng dalawang silid na gagawing hukuman kasabay ng panawagan sa Philippine National Police at sa Bureau of Jail Management and Penology upang alamin kung magagawa ito kaagad.
Ang pagdaraos ng pagdinig ay kailangang sangayunan ng 15-kataong Korte Suprema. Gagawin ang en banc session ng Korte Suprema bukas. Ani Secretary Aguirre, umaasa si Chief Justice Sereno na sasang-ayon ang kanyang mga kasamang mahistrado. Tuloy-tuloy ang gagawing pagdinig.
Sa Camp Evangelista sa Cagayan de Oro, tanggapan ng 4th Infantry Division ang kasalukuyang detention area ng mga Maute at kanilang mga kaalyado.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |