|
||||||||
|
||
Kandidato sa pagiging mahistrado naniniwalang 'di na kailangan ang pagpupulong ng Kongreso at Senado sa Martial Law
SINABI ni Court Administrator Midas Marquez, isa sa mga posibleng mahirang na associate justice, na 'di na kailangan pang magkaroon ng joint session ang Kongreso upang sumang-ayon sa deklarasyon ni Pangulong Duterte ng Martial Law sa Mindanao.
Sa kanyang pagharap sa Judicial and Bar Council, sinabi ni Court Administrator Marquez na magpupulong lamang ang Kongreso kung layunin nilang pawalang saysay ang deklarasyon ni Pangulong Duterte.
Ipinaliwanag pa ni G. Marquez na may poder ang Korte suprema na pagbalik-aralan ang dahilan ng martial law matapos magpetisyon ang iba't ibang grupo na humihiling ng maliwanag na gabay mula sa mga dalubhasa sa batas.
Si G. Marquez ay dating tagapagsalita ng Korte Suprema at isa sa 12 posibleng pangalanang kapalit ni Associate Justice Bienvenido Reyes na magreretiro sa darating na ika-anim ng Hulyo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |