|
||||||||
|
||
20170713Meloreport.mp3
|
PINAG-AARALAN ng Armed Forces of the Philippines ang doktrina nito sa larangan ng digmaan upang maiwasan na ang pagkasawi ng mga kawal sa "friendly fire" tulad ng naganap kahapon.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ikinalulungkot niya ang pagkasawi ng dalawang kawal at pagkakasugat ng 10 iba pa sa isang sakunang nagmula sa bombang mula sa eroplano ng pamahalaan.
Nakikiisa si Secretary Lorenzana sa mga naulila at mga nasugatan. Iba umano ang urban warfare sapagkat ang magkakalaban ay malapit lamang sa isa't isa. Ito rin ang problema ng mga bansang lumalaban sa mga terorista sa Mosul, sa Fallujah at maging sa Raqqa.
Inamin ni Secretary Lorenzana na 'di biro ang operasyon ng mga kawal upang mabawi ang mga ilang bahagi ng Mindanao na napasakamay ng mga armado. Nahihirapan sila sapagkat layunin nilang mailigtas ang mga sibilyang hindi nakalabas ng Marawi City lalo pa't ang mga Maute ay walang batas na sinusunod. Gumagamit pa sila ng mga sibilyan bilang human shields. Gumagamit din ang mga terorista ng mga kabataan, ng mga menor de edad sa digmaan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |