|
||||||||
|
||
Pagbabalik kay Marcos sa CIDG, ikinagulat, binatikos
SINABI ni Senador Antonio Trillanes IV na ibinalik ni Pangulong Duterte si Supt. Marvin Marcos sapagkat nangangamba siyang ibunyag ang papel ng pangulo sa pagpatay kay Mayor Rolando Espinosa, Sr.
Sa isang pahayag, sinabi ni Trillanes na si Marcos at ang kanyang mga tauhan ay pinalaya at binigyan ng kanilang mga tsapa upang pumatay na muli ng walang pananagutan.
Nangangamba umano si G. Duterte na ibunyag ng mgta pulis ang kanilang nalalaman sa pagpatay kay Mayor Espinosa.
Unang sinabi ni G. Trillanes na si Marcos at ang kanyang mga kaklase sa PNPA Batch 1996 ay kabilang sa sinasabing Philippine Death Squad na nagsasagawa ng mga pagpaslang na labag sa batas.
Sa panig ni Senador Panfilo Lacson, sinabi niyang hindi basta pagbabalik sa trabaho ang ginawa matapos masuspinde ng apat na buwan at pakunswelong administrative penalty.
Pinuna ni Senador Lacson ang pahayag na wala sa lugar ng krimen si Marcos ng isilbi ng kanyang grupo sa Criminal Investigation and Detection Group sa Region VIII ang search warrant kay Espinosa sa loob ng bilangguan.
Na sa labas umano ng piitan si Marcos at nagbibigay ng direktiba sa operasyon. Ang mga kasama ni Marcos ay natanggal sa dating posisyon at nasuspinde ng anim na buwan. Hindi umano ginamit ang conspiracy angle.
Nanglaban umano si Espinosa at Raul Yap sa mga pulis.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |