|
||||||||
|
||
Mga bagong mamumuno sa Integrated Bar of the Philippines, nanumpa na
NANUMPA na ang bagong pamunuan ng mga tagapagtanggol sa Pilipinas sa harap ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno at ng mga mahistrado noong nakalipas na Martes ng hapon.
Naitalagang bagong pangulo si Atty. Abdiel Dan Elijah "Ade" S. Fajardo bilang kapalit ni Atty. Rosario Setias-Reyes na nagtapos ng panunungkulan noong huling araw na Hunyo.
Si Atty. Fajardo ay dating pangulo ng IBP Antique Chapter at Governor ng Western Visayas Region. Nagtapos siya ng Abugasya sa University of the Philippines noong 1998.
Sa kanyang talumpati noong Martes ng gabi, nagbabala siya sa nababawasang impluwensya ng mga abogado na nahaharap sa matinding pagsubok, tulad rin ng hinaharap ng mga mamamahayag.
Ito rin ang karanasan ng mga abogado, dagdag pa ni Atty. Fajardo dahil sa nawawalang paggalang sa batas.
Kasama niyang nanumpa sina Domingo Cayosa bilang Executive Vice President at Governor para sa Hilagang Luzon at mga kinatawan ng iba't ibang rehiyon sa bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |