|
||||||||
|
||
Mga kumpanya ng minahan, nababahala rin sa pinsala ng kalikasan
NAKIKIISA ang Chamber of Mines of the Philippines kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagkabahala sa kalikasan at mga komunidad na apektado ng industriya ng mina. Maliwanag ang responsibilidad ng mga minahan sa kalikasan at handang makipagtulungan sa rehabilitation ng mga naminang pook. Nais din nilang matiyak ang karapatang biyaya ng mga komunidad mula sa mina.
Ito ang sinabi ni Vice President Atty. Ronald Recidoro sa isang pahayag. Kailangan lamang ang mahigpit na pagpapatupad ng mga abtas at pagbabantay ng Mines and Geosciences Bureau at Environmental Management Bureau, lalo na ng small-scale mining sector upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan at komunidad.
Nararapat lamang litisin ang mga minahang lumalabag sa batas, dagdag pa ni Atty. Recidoro.
Muola 2011 hanggang 2015 ay napamahagi na ng may 20 milyong puno sa ilalim ng National Greening Program na sumaklaw sa 48,000 ektarya ang Chamber of Mines of the Philippines.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |