LEDAC, ipinasa ang legislative agenda para sa 17th Congress
NAKAPASA na sa ikalawang pulong ng Legislative-Executive Development Advisory Council ang sinasabing common legislative agenda para sa ika-17 Kongreso.
Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto M. Pernia, napapaloob sa legislative agenda ang 28 priority measures. May 14 sa mga ito ang inirekomenda ng LEDAC executive committee bilang "urgent" noong nakalipas na Hulyo. Kailangang maipasa ang mga ito sa loob ng taong 2017.
Tumutugon ang common legislative agenda sa nilalaman ng Philippine Development Plan para sa taong 2017 hanggang 2022. Sampu sa mga panukalang batas na ito ang pinag-uusapan na sa Kongreso. Ang mga panukalang batas na ito ay kinabibilangan ng Comprehensive Tax Reform, National Land Use Act, Rightsizing of the National Government, pagsusog sa National Irrigation Administration Charter, partikular ang Free Irrigation Act, ang Ease of Doing Business Act, National Mental Health Care Delivery System, Occupational Safety and Health Hazards Compliance, Strengthening of the (ng) Balik-Scientist Program, Philippine Qualifications Framework at Social Security Act amendments.
Idinagdag pa ni Secretary Pernia na ang Common Legislative Priorities ng Congress na kinabibilangan ng 39 na priorities ng Kongreso at Senado at ang President's Legislative Agenda na binubuo ng 55 panukalang batas ang basehan ng kanilang pamimili ng mga pagtutuunan ng pansin.
1 2 3 4