Embahada ng Francia, niliwanag ang kalakaran sa kanilang bansa
NAGLABAS ng pahayag ang Embahada ng Francia sa Maynila bilang tugon sa pahayag ni Pangulong Duterte sa isang okasyon na kinatampukan ng batas sa Francia na diumano'y kinikilalang nagkasala ang isang tao hanggang hindi napatutunayang walang kasalanan.
Tulad umano ng Pilipinas, ang pagkilala sa pagiging walang kasalanan ng isang tao hanggang sa mapatunayang nagkasala ang pinakabuod ng batas ng Francia ayon sa kanilang French Declaration of Human and Civic Rights noong ika-26 ng Agosto taong 1789.
Naniniwala ang pamahalaan ng Francia sa kahalagahan ng pagsunod sa batas, due process at paggalang sa karapatang pangtao sa lahat ng bansa tulad ng Pilipinas.
1 2 3 4