|
||||||||
|
||
Mga kasapi ng Families of Victims of Involuntary Disappearance, nanawagan kay Pangulong Duterte
MAAARING matabunan ng pahayag ni Pangulong Duterte ang kanyang pangakong sisiyasatin ang pagkakapaslang kay Kian Loyd delos Santos sa isang anti-drug operation ang kanyang mga kontra karapatang pangtaong mga pahayag.
Nananatiling nakatuon ang pansin ng mga pamilya ng mga biktima ng pagkawala ng mga nagtatanggol sa Karapatang Pangtao na pinararangalan ngayong International Day of the Disappaeared.
Hindi ito kasabay ng International Week of the Disappeared na idinaraos sa huling linggo ng Mayo, deklarado ng United Nations ang ika-30 ng Agosto bilang International Day of the Disappeared upang kilalanin ang mga nawala na lamang at 'di na natagpuan sa buong daigdig.
Malaki rin ang naiambag ng mga nawala at naglahong parang bula sa pagsusulong ng kalayaan ng bansa noong Rehimeng Marcos.
Ayon sa pahayag ng FIND, ipinakita ng mga naglaho ang kahalagahan ng pagharap sa mga mapang-aping uri. Sa pamamagitan ng paggunita sa kanila, pinararangalan na rin sila sa kanilang nai-ambag sa kasaysayan ng Pilipinas.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |