Department of Justice, inutusan ang National Bureau of Investigation na gumawa ng kasabay na pagsisiyasat sa isa na namang pagpatay
INUTUSAN ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang National Bureau of Investigation na magsiyasat sa pagkamatay ng isang Carl Angelo Arnaiz na napatay sa sinasabing pakikipagbarilan sa mga pulis ng Caloocan City matapos umanong mangloob sa isang taxi driver.
Lumabas na ang written order kanina kasunod ng verbal order noong Sabado na magsiyasat kaagad.
Naganap ang kautusan matapos magreklamo ang pamilya ni Arnaiz at ang Public Attorney's Office sa kwento ng mga pulis sa pagkasawi ng 19 na taong gulang na dating mag-aaral ng University of the Philippines.
Naunang binanggit ni Carlito Arnaiz na sinabihan sila ni Chief Public Attorney Persida Rueda-Acosta na dudulog sila sa Department of Justice.
Inalis na sa kanilang mga puesto sina Police Officers 1 Jeffrey Perez at Ricky Arquilita at sumasailalim sa pagsisiyasat sa insidenteng naganap noong ika-18 ng Agosto.
1 2 3 4