|
||||||||
|
||
20170828melo.mp3
|
Pilipinas, nakiramay sa mga biktima ng bagyo sa Estados Unidos
NAKIISA ang Pilipinas sa international community sa pagpaparating ng pakikiramay sa mga nasalanta at nasawi sa malakas na bagyong dumaan sa Texas. Magugunitang sinabi sa mga balita na ito na ang pinakamalakas na bagyong tumama sa Texas sa nakalipas na 50 taon.
Sa isang pahayag ng Department of Foreign Affairs, nabatid na naging dahilan ng matinding pagbaha ang pagdaan ng bagyong "Harvey" na ikinasawi ng may lima katao at iba pang nasugatan sa pook.
Naunang ibinalita ng Philippine Consulate General sa Los Angeles na walang sinuman sa 80,000 mga Filipino sa Houston at mga kalapit pook ang nabalitang nasawi o nasugatan.
Nakikiisa ang Pilipinas sa mga naging biktima ng trahedya ayon kay Secretary Cayetano na kararating lamang mula sa kanyang paglalakbay sa Kuala Lumpur kagabi.
Patuloy umanong ipagdarasal ng Pilipinas ang mga naging biktima ng bagyo. Idinagdag pa ni Secretary Cayetano na magbantay sa mga magiging epekto ng bagyo sa Houston. Nabanggit din ni Secretary Cayetano na si Honorary Consul Ethel Mercado sa Houston ang nagbibigay ng regular na balita at nagsabing walang sinumang Filipino ang nasaktan at nasugatan.
Alertado pa rin ang dalawang opisyal sa epekto ng bagyo na umabot sa 26 na pulgada ang ulang ibinuhos. Ayon kay consul general nasi Adelio Angelito Cruz, bukas ang kanilang tanggapan sa sinumang Filipino na naapektuhan ng bagyo sa telephone numbers + 1 (213) 5870758.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |