Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tatlo katao, nasawi, 13 ang nawawala sa pagdaan ng bagyong "Maring"

(GMT+08:00) 2017-09-12 17:41:51       CRI

Tatlo katao, nasawi, 13 ang nawawala sa pagdaan ng bagyong "Maring"

Makikita ang Simbahan ng Quiapo na napaliligiran ng maitim na ulap na may dalang malakas na ulan. (Melo M. Acuna)

BAHA ANG MGA LANSANGAN SA MAYNILA. Ito ang larawang kuha sa Sampaloc District sa Maynila na mandalas bahain sa bawat ulang malakas. Makailanga ulit nang inayos ang flood-control sa Maynila subalit binabaha pa rin. (Melo M. Acuna)

MALAWAKANG PINSALA ANG NARANASAN NG BVI. Putol ang mga punongkahoy, kable ng kuryente at sarado pa ang mga bahay-kalakal. Ito ang inilrawan ni Avelino Nares, isang manggagawang Filipino sa BVI mula pa noong 1999. (Kontribusyon ni Avelino Nares)

UMAASA ANG MGA FILIPINO NA MAKAUWI NG PILIPINAS. Nagpasalamat si G. Avelino Nares sa balitang inihahanda na ng Department of Foreign Affairs ang programa upang makauwi sila sa bansa. Halos 500 umano slang mga Filipino sa BVI subalit sa datos ng DFA umaabot lamang sila sa 264. (Kontribusyon ni Avelino Nares)

NABATID na tatlo katao ang nasawi samantalang may 13 ang nawawala sa pagdaan ng bagyong "Maring" na naging dahilan din ang matinding ulan at malawakang pagbaha sa loob at labas ng Metro Manila.

May mga pook na hanggang dibdib ang baha. Karaniwang umaabot sa 20 sama ng panahon ang dumaraan sa Pilipinas bawat taon.

Karamihan sa mga nasawi at nawawala ay mahihirap na naninirahan sa mapapanganib na pook kahit pa binalaan na ng pamahalaang umiwas sa posibleng trahedya.

May dalawang nasawi sa pagguho ng lupa sa silangang bahagi ng Metro Manila samantalang isang 12-taong gulang na babae ang nalunod sa isang ilog.

Tumama ang bagyong "Maring" sa Mauban, Quezon kaninang umaga bago tumahak patungo sa kanlurang bahagi ng Luzon.

Ayon sa PAGASA, sa pamamagitan ni Renito paciente sa pakikipanayam sa mga mamahayag, dala ni "Maring" ang hanging umaabot sa100 kilometro bawat oras at kumikilos sa bilis na 15 kilometro bawat oras na siyang nagpapalala sa pagbaha. Sa bagal ng pagkilos ng bagyo, higit na malakas ang ibinubuhos na ulan nito.

Pinayuhan na ng pamahalaan ang mga mamamayang naninirahan sa mabababang pook na lumikas upang makaiwas sa anumang panganib.

1  2  3  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>