Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tatlo katao, nasawi, 13 ang nawawala sa pagdaan ng bagyong "Maring"

(GMT+08:00) 2017-09-12 17:41:51       CRI

Mga Filipino sa British Virgin Islands, nais nang umuwi sa Pilipinas

SAMANTALANG naghahanda ang Pamahalaan ng Pilipinas na makauwi ang nasalanta ng bagyo sa Carribean, ipinarating ni Avelino Nares, isang naninirahan sa British Virgin Islands ang kanyang kahilingang makauwi na sa Pilipinas. Noon umanong Miyerkoles, samantalang nasa bahay siya ay nagsimulang magparamdam ang bagong may lakas na 150 milya bawat oras at pagbugsong umabot sa 185 milya.

Nanirahan na siya sa British Virgin Islands mula pa noong 1999 at nagtrabaho bilang isang automotive parts man sa International Motors. Bumalik siya sa kanyang dating trabaho bilang isang inventory controller para sa isang kumpanya.

Nabasa umano ang lahat ng kanyang gamit dahil sa lakas ng ulan at hangin. Maraming mga Filipino sa British Virgin Islands bilang mga manggagamot, nurses, accountants, insurance officials, skilled auto mechanics at mayroon ding mga enhinyero. Kakaunti umano ang mga domestic helper sa British Virgin Islands na tinitirhan ng wala pang 29,000 katao.

Ngayon ay tila ghost town na ang BVI, putol ang mga punongkahoy, walang linya ng kuryente, sarado pa ang mga bahay-kalakal at kahit mga yate ay pawang napinsala.

Naniniwala si G. nares na magtatagal bago makabawi ang pook. Mayroong mga 500 mga Filipino sa British Virgin Islands na kabilang sa kanilang asosasyon. Ang pinakamalakas na bagyong tumama sa Carribean ay nagkaroon ng hanging 185 milya bawat oras at na 200 milya bawat oras na pagbugso.

Subalit sa record ng Department of Foreign Affairs, mayroon lamang 264 na Filipino sa British Virgin Islands, mayroong 233 sa Sint Maarten, 72 sa Anguilla, 32 sa Antigua at Barbuda.

Ayon pa sa DFA, aabot sa 4,500 mga Filipino ang naninirahan sa buong Carribean na apektado ng bagyong "Irma". Karamihan ay nasa Turks and Caicos na aabot sa 2,700 at 900 sa Bahamas.

Samantala, may 150,000 mga Filipino sa Florida, mayroong 44,000 sa Georgia at South Carolina. Mayroon ding 160,000 sa Texas samantalang mayroong 29 na Filipino sa Cuba.

 


1  2  3  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>