|
||||||||
|
||
Pilipinas, may sapat na foreign reserves
MAY SAPAT NA FOREIGN RESERVES ANG PILIPINAS. Ito ang sinabi ni Director Zeno Ronald R. Abenoja ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa idinaos na Wednesday Roundtable @ Lido. (Melo M. Acuna)
MALAKI ang international reserves ng Pilipinas. Ito ang sinabi ni Director for Economic Research ng Bangko Sentral ng Pilipinas Zeno Ronald R. Abenoja sa idinaos na Wednesday Roundtable @ Lido kanina.
Ayon kay Director Abenoja, sapat ang foreign reserves na makabili ng goods and services mula sa ibang bansa sa loob ng walo hanggang siyam na buwan. Sapat din ang salaping ibabayad sa pagkakautang, kasama na ang interes at prinsipal sa loob ng isang taon.
Nagmumula ang international reserves sa mga kinita ng exports ng Pilipinas, foreign remittances, receipts mula sa business process outsourcing, tourism at maging sa foreign direct investments.
Umabot sa US$ 670 bilyon ang kinita sa exports samantalang nakaambag ang mga Filipino sa ibang bansa ng may US$ 29.7 bilyon samantalang higit sa US$ 25 bilyon ang mula sa Business Process Outsourcing at may US$ 5 bilyon mula sa turismo. Ang foreign direct investments noong nakalipas na taon ay umabot sa US$ 7.9 bilyon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |