|
||||||||
|
||
20170913melo.mp3
|
Punong mahistrado, ipinasisibak
SA ikalawang pagkakataon, mahaharap ang isang nakaupong punong mahistrado sa impeachment proceedings matapos makatagpo ang House Committee on Justice na sapagkat na nilalaman ang reklamong mula kay Atty. Larry Gadon.
May 30 kasapi ng justice committee ang pumabor sa kahilingan ni COOP-NATCO party list Representative Antonio Bravo na alamin ang porma ng reklamo ni Atty. Gadon at sa kahilingan ni Kabayan party list Representative Harry Roque kung may sapat na nilalaman.
Aapat lamang ang kumontra sa resolusyon at sila ay sina Bayan Muna Representative Carlos Zarate, Quezon City Congressman Kit Belmonte, Dinagat Islands Congresswoman Kaka Bag-ao at Siquijor Congresman Ramon Rocamora.
Inakusahan ni Atty. Gadon si Chief Justice Maria Lourdes Sereno ng mga ginawang maparurusahan ng impeachment tulad ng paglabag sa Saligang Batas, katiwalian at iba pang krimen at pagtalikod sa pagtitiwala ng madla.
Samantala, pinawalang-saysay ng House Committee on Justice ang reklamo ng mga kabilang sa Volunteers Against Crime and Corruption ni Dante Jimenez at Vanguard of the Philipppine Constitution na pinamumunuan ni Atty. Eligio Mallari.
(Unang naharap sa impeachment proceedings si Chief Justice Renato Corona na nasibak sa kanyang puwesto noong panahon ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III.)
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |