|
||||||||
|
||
melo
|
TULOY ANG PAGTULONG NG TSINA. Ito ang sinabi ni Chinese Ambassador to Manila Zhao Jianhua na magpapatuloy ang kanilang tulong sa Pilipinas. Higit na gumanda ang relasyon ng dalawang bansa matapos ang pagdalaw ni Pangulong Duterte sa Tsina noong nakalipas na taon. May US$ 3 milyong halaga ng engineering equipment ang darating mula sa Tsina upang makatulong sa reconstruction ng Marawi City.
HANDOVER CEREMONIES NAGANAP. Makikitang ipinagkakaloob ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua kay Defense Secretary Delfin Lorenzana ang isa sa mga sandatang mula sa Tsina na magagamit ng Armed Forces of the Philippines. Nasa gawing kaliwa naman si AFP Chief of Staff General Eduardo Año. (DND Photos)
NAGPASALAMAT sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at AFP Chief of Staff General Eduardo Año sa ipinagkaloob na assault rifles at mga bala ng Tsina.
Sa seremonya kaninang umaga, sinabi nina G. Lorenzana at General Año na malaking tulong ang ginawa ng Tsina sa pagsugpo at paglaban sa mga terorista.
Nagkakahalaga ang donasyong mga sandata at bala ng may 22 milyong Renminbi o P 168 milyon. Naganap ito matapos lumagda sa kasunduan ang Tsina at Pilipinas noong Agosto.
Sa panig naman ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua, magpapatuloy ang pagtulong ng Tsina sa Pilipinas matapos ang matagumpay na pagdalaw ni Pangulong Duterte sa Tsina noong nakalipas na Oktubre ng 2016.
Mayroon pang aabot na US$ 3 milyong engineering equipment sa mga susunod na buwan bilang tulong ng Tsina sa pagtatayong muli ng Marawi City.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |