|
||||||||
|
||
Mga abogado ni Chief Justice Sereno, nalungkot sa desisyon ng lupon
IKINALUNGKOT ng panig ni Chief Justice Sereno ang naging desisyon ng House Committee on Justice na mayroong sapat na dahilan upang sumailalim sa impeachment ang kanilang kliyente.
Inaasahan umano nila ay ang pagsagot sa tanong kung may ebidensya ba sa mga alegasyon. Ito ang sinabi ni Atty. Anacleto Lacanilao III, bahagi ng defense team ni Chief Justice Sereno sa isang ambush interview.
Idinagdag ni Atty. Lacanilao na ang paghahanap ng "sufficiency of grounds" ay walang pagkakaiba sa paghahanap ng "form and substance."
Naniniwala si Atty. Lacanilao na walang sapat na ebidensya, walang papel, walang affidavits kaya't walang ebidensya kaya walang sandigan ang reklamo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |