|
||||||||
|
||
May sapat na dahilan ang reklamo laban kay Chief Justice Sereno
SINABI ng House Committee on Jusitce na mayroong sapat na dahilan upang magpatuloy ang impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Naganap ito matapos bumoto ang 25 kasapi ng lupon sa mosyon ni Misamis Occidental Representative Henry Oaminal base sa reklamo ni Atty. Lorenzo "Larry" Gadon laban kay Chief Justice Sereno.
Ang tanging kontra sa desisyon ng nakararami ay sina Congressman Kaka Bag-ao ng Dinagat Island at Quezon City 6th District Congressman Kit Belmonte.
Inakusahan ni Atty. Gadon si Chief Justice Sereno ng paglabag sa Saligang Batas, katiwalian at iba pang malalalang krimen at pagtalikod sa pagtitiwala ng taongbayan.
Nabanggit na ng House panel na mayroong sufficient form at substance ang reklamo.
Sa pagdinig kanina, hiniling ni Congressman Edcel C. Lagman na 'di kasama sa lupon na nararapat bumoto ang mga mambabatas sa sinasabing 27 paglabag ng chief justice.
Sinabi naman ni Capiz Congressman at Deputy Speaker Fredenil Castro na samantalang maganda ang mungkahi ni Congressman Lagman lalabag ito sa buod ng pag-alam sa "sufficiency of grounds."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |