|
||||||||
|
||
Maraming nangangambang sila o kanilang kakilalang mabibiktima ng mga extra-judicial killings
UMABOT sa 73% ng mga Filipino ang nangangamba na sila o may kakilala silang mabibiktima ng mga pagpaslang. Ito ang lumabas sa survey ng Social Weather Station.
Ito ang pinakahuli samantalang may 90 porsiyento ng 1,200 tumugon sa pambansang survey na ginawa noong nakalipas na huling linggo ng Hunyo na mahalagang madakip ng buhay ang mga pinaghihinalaang sangkot sa illegal na droga.
Mayroong margin of error na plus o negative three percentage points.
Ang mga nababahalang mabibiktima o may kakilalang mabibiktima ng pagpaslang ay kahalintulad ng 73 porsiyentong nakamtan noong survey noong nakalipas na Marso ng taong ito.
Mas marami ang lubhang nababahala mula sa 37% noong Marso ay umabot na sa 41% noong Hunyo.
Ang bilang ng mga nababahala noong Disyembre ay umabot sa 78%.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |