|
||||||||
|
||
Pivot to China, pakikinabangan ng Pilipinas
MAPAKIKINABANGAN ANG PHILIPPINE PIVOT TO CHINA. Naniniwala si Bb. Birgit Hansl ng World Bank Manila Office na mapakikinabangan ng Pilipinas ang magandang relasyon nito sa Tsina sapagkat nananatili ang Tsina na isa sa pinakamalaking ekonomiya sa daigdig. Kapwa bahagi ang Pilipinas at Tsina ng global value chain, dagdag pa ni Bb. Hans. (Melo M. Acuna)
SINABI ni Birgit Hansl, lead economist ng World Bank sa Pilipinas na ang naganap na pivot to China ay mapakikinabangan ng Pilipinas sa pagkakaroon ng mas maraming investments mula sa Tsina at lalaki ang posibilidad na magkaroon ng mas maraming hanapbuhay para sa mga manggagawang Pilipino.
Sa paglulunsad ng Philippine Economic Update, sinabi ni Bb. Hansl na nananatili ang Tsina sa isa sa pinakamalaking ekonomiya sa daigdig.
Ang pagkakaroon ng magandang trade at economic relations sa Tsina ay isang magandang palatuntunan sapagkat maraming mga ginagawa sa Pilipinas ang dinadala sa Tsina tulad ng mga kailangan sa pagbuo ng mga electronic and computer products.
Mahalaga ang papel ng Tsina at Pilipinas sa global value chain, dagdag pa ni Bb. Hansl.
Samantala, sinabi ni G. Kevin Cruz, research analyst ng World Bank sa Maynila na nananatiling malakas at matatag ang foreign remittances ng mga manggagawang Filipino sa likod ng balitang mabagal ang paglago ng ekonomiya ng mauunlad na bansa.
Umabot umano sa 10.2% ng Gross Domestic Product ang naiambag ng mga manggagawang Filipino noong nakalipas na taon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |