Bagong buwis, 'di dapat ipataw sa gasolinang naka-imbak
SINABI ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na sinabi na ng Department of Finance at Department of Trade and Industry na 'di dapat ipataw ang bagong buwis sa gasolinang matagal nang nakaimbak sa mga gasolinahan.
Sa isang briefing na idinaos sa Malacanang, sinabi ni Secretary Roque na nararapat lamang ipataw ito sa bagong dating na imbentaryo. Sa ngayon, wala pang bagong imbentaryo na nakararating sa mga pamilihan.
Nagpatupad na rin ng P 200 bawat buwan na unconditional cash transfer upang maibsan ang epekto ng TRAIN sa mga pinakamahihirap na mamamayan ng bansa. Ipamamahagi ang halaga mula ngayong Enero hanggang sa Hulyo ng taong ito kasabay ng pagpupulong ng technical working group upang mailabas na ang salaping ayuda sa mahihirap.
Ibinalita na rin ni Secretary Roque na nagpadala ang Red Crescent Movement ng Qatar ng US$ 280,000 para sa mga biktima ng bagyong "Vinta." Idinaan ang halaga sa Philippine Red Cross.
1 2 3 4 5