|
||||||||
|
||
Bukas ang linya ng komunikasyon sa pagitan ng Simbahan at Pamahalaan
BUKAS ANG KOMUNIKASYON NG SIMBAHAN SA PAMAHALAAN. Ito ang sinabi ni Davao Archbishop Romulo G. Valles sa isang panayam sa Carcar City sa Cebu kanına. (Melo M. Acuna)
NANATILING bukas ang linya ng komunikasyon sa pagitan ng Simbahan at Pamahalaan. Ito ang sinabi ni Davao Archbishop Romulo G. Valles, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa isang panayam sa Carcar City, Cebu.
Sinabi niyang mapalad siya na kapwa sila nagmula ni Pangulong Duterte sa Davao City tulad rin ng mga tauhang nasa Malacanang. Magpapatuloy ang pakikipagtalastasan sa pamahalaan lalo't higit sa mga isyung makakaa-apekto sa mga mamamayang Filipino.
Samantala, sinabi ni Arsobispo Valles na higit nilang paiigtingin ang paglilingkod ng social action ng Simbahan upang makatugon sa mga trahedyang nagaganap sa bansa tulad ng magkakasunod na sama ng panahong nanalasa sa Kabisayaan at Mindanao.
May nagagawa na ang mga nasa larangan ng social action subalit kailangang pag-ibayuhin ang mga palatuntunan upang higit na makatugon sa mga pangangailangan, dagdag pa ng arsobispo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |