Piso, tumaas sa US dollar
NAGBUKAS ang Bagong Taon sa pagtaas ng halaga ng piso laban sa US dollar. Lumakas ng may 12 sentimos ang piso sa pagpapalitan na P 49.81 kanina mula sa P 49.93 noong nakalipas na Biyernes, ika-29 ng Disyembre, ang huling araw ng kalakalan noong 2017. Ito ang pinakamalaking palit ng piso sa dolyar mula sa naganap noong ika-16 ng Hunyo sa halagang P49.90 sa bawat dolyar.
Sa larangan ng padalang salapi mula sa iba't ibang bansa, karaniwang dumadagsa ang foreign currency sa huling dalawang buwan ng bawat taon. Sa naunang panayam, sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas Deputy Governor Diwa Guinigundo na malalampasan ng padalang salapi sa naitala noong nakalipas na 2017.
1 2 3 4 5