|
||||||||
|
||
20180104melo.m4a
|
Administrador ng MARINA, sinibak
PINATALSIK sa kanyang tungkulin si MARINA Administrator Marcial Quirico Amaro III dahil sa madalas na paglalakbay palabas ng bansa.
Sa isang press briefing sa Davao City, sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, Jr. na iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatalsik sa pinuno ng MARINA.
Ayon sa imbestigasyong ginawa ng Department of Transportation at mga sumbong ng mga kawani ng tanggapan, umabot sa 24 ang paglalakbay sa labas ng bansa sa loob lamang ng 13 buwan mula noong 2016 hanggang noong nakalipas na taon.
Tatlo lamang umano ang ginastusan ng mga pandaigdigang samahan samantalang ang karamihan ay ginastusan ng pamahalaan ng Pilipinas.
Sinabi ni Secretary Roque na isang paala-ala ito sa mga kawani ng pamahalaan na kailangang mamuhay ng masinop at 'di na kailangan pang maglakbay kung 'di naman kailangan ng kanilang paglilingkod.
Kasunod ito ng pagpapatalsik kay Presidential Commission for the Urban Poor Chairperson Terry Ridon. May ilang mga opisyal ng pulisya ang nakatakdang patalsikin din sa kanilang mga trabaho.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |