Pagpapalabas ng salapi para sa pagawaing-bayan, tumaas
BIGLANG tumaas ang salaping inilabas ng pamahalaan para sa mga pagawaing-bayan noong nakalipas na Nobyembre 2017. Ayon sa National Government Disbursement Performance, naglabas ang pamahalaan ng P 43.8 bilyon at nagtaya ng 44.8% na dagdag sa gastos sa paghahambing sa nakalipas na Nobyembre 2016.
Ang salaping nailabas noong Nobyembre ng 2017 ay umabot na sa P 252.1 bilyon at ito ay para sa pagawaing-bayan na kinatagpuan ng dagdag na 10.4%.
Mula Enero hanggang Nobyembre ng 2017, umabot na sa P 2.494 trilyon ang nailabas na salapi at mas mataas ng 10.1% kung ihahambing sa nailabas na salapi noong 2016.
Ayon kay Budget and Management Secretary Benjamin Diokno, sa salaping nailabas, makatitiyak na magtatagumpay ang programa ng pamahalaang kilala sa pangalang "Build, Build, Build."
1 2 3 4