|
||||||||
|
||
Lawak ng pinsalang dulot ng bagyong "Vinta," nabatid na
IBINALITA ng United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (UN-OCHA) na malubha ang pinsalang idinulot na bagyong "Vinta" tatlong araw bago sumapit ang Pasko.
Ikinabahala rin ng United Nations ang mga pagguho ng lupa at pagbaha na naging dahilan ng pagkasawi ng ilang mga mamamayan. Apektado rin ang mga lumikas mula sa Marawi City na tinamaan ng lakas ng ulan at hagupit ng hanging dulot ng bagyong "Vinta."
Noong Pasko, ibinalita ng United Nations na maraming biktima ang nawalan ng pagkain sa pagragasa ng bagyo. Napinsala rin ang supply ng tubig kaya't nanganib din ang kalusugan ng mga mamamayan. May mga pagawaing-bayan ding napinsala sa Region X at maging sa Caraga.
Umabot din sa 72 evacuation centers ang tumugon sa pangangailangan ng mga lumikas sa kanilang mga tahanan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |