|
||||||||
|
||
Mga labi ni Arsobispo Teofilo Camomot, inilibing na
LABI AT MGA DOKUMENTO, SINELYUHAN NI ARSOBISPO PALMA. Makikita sa larawan si Arsobispo Jose S. Palma ng Cebu na naglalagay ng selyo sa kabaong ni Arsobispo Teofilo Camomot bago inihatid sa huling hantungan kaninang hapon. Isa sa mga kandidatong maging santo si Bishop Camomot na namayapa sa isang sakuna noong 1988. (Melo M. Acuna)
SINAKSIHAN ng libu-libong mga deboto ang paghahatid sa huling hantungan sa labi ni Arsobispo Teofilo Camomot sa kumbento ng mga madreng kabilang sa Daughters of St. Teresa sa Valladolid, Carcar City kaninang ika-apat ng hapon.
Pinamunuan ni Cebu Archbishop Jose S. Palma ang Misa na nilahukan ng may 50 pari. Dumalo rin sa Misa ang mga madre mula sa iba't ibang kongregasyon at ang libu-libong mga deboto mula sa iba't ibang bahagi ng bansa.
Pagkatapos ng Misa, binasa ni Dr. Erwin Erfe ang kinahinatnan ng kanilang pagsusuri sa labi ng namayapang arsobispo. Ang dokumentong nilagdaan ni Dr. Erfe at iba pang mga kalahok ay inilagay sa isang sisidlan at inilakip sa labi ng namayapang arsobispo.
Sinelyuhan ni Archbishop Palma ang kabaong sa pamamagitan ng kanyang singsing sa tinunaw na may kandilang pula.
Dinala ang labi ng arsobispo sa Domus Teofilo at doon na mahihimlay na regular na madadalaw ng mga deboto.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |