|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
6 na pinatuyong black mushrooms
1 kutsarang vegetable oil
1 butil o clove ng bawang, dinikdik nang kaunti
1 malaking piraso ng bamboo shoot, tumitimbang nang humigit-kumulang 125 grams
280 grams ng snow peas
½ kutsarita ng asin
½ kutsarita ng asukal
1 pirot ng vetsin
Paraan ng Pagluluto
Hugasan ang mushrooms at ibabad sa mainit na tubig sa loob ng 30 minutes. Pagkaraan, hanguin sa tubig pero huwag itatapon ang tubig na pinagbabaran. Tanggalin ang tangkay ng mushrooms at hatiin sa dalawa ang mushroom caps. Mag-init ng mantika sa kawali at igisa ang bawang hanggang magkulay brown.
Hanguin ang garlic tapos dagdagan ang apoy. Igisa ang mushrooms sa loob ng ilang segundo tapos idagdag ang hiniwa-hiwang bamboo shoot. Ituloy pa ang paggisa sa loob ng ilang segundo. Idagdag ang snow peas at ituloy pa ang paggisa hanggang mga 2 minutes. Lagyan ng 4 na kutsara ng likidong pinagbabaran ng mushrooms at budburan ng asin, asukal at vetsin at ituloy pa ang paghahalo sa loob ng ilang minuto.
Patayin ang apoy pagsingaw ng likido at habang matigas pa ang mga gulay. Ihain habang mainit.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |