Patay na ang Charter Change sa Senado
WALANG anumang magaganap na charter change sa Senado. Ito ang pahayag naman ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa joint hearing ng Senate Committees on constitutional amendments and revision of codes, electoral reforms at people's participation sa mga panukalang pagbabago sa Saligang Batas.
Hindi ito magagawa sa loob ng sampung linggo sapagkat may posibilidad pang maging impeachment court na naman ang Senado. Magpapasa pa rin sila ng iba pang mga batas, dagdag pa ni Senador Recto.
Ang narinig umano niya ay ang panawagang susugan ang Local Government Code of 1991. Sinabi naman ni Senador Francis Pangilinan na kailangang dumaan sa proseso ang lahat.
1 2 3 4 5