Bulkang Mayon, saklaw pa rin ng Alert Level No. 3
HINDI pa rin nagbabago ang Alert Level sa Mayon Volcano sapagkat nananatili ito sa Alert Level 3. Mayroon pa ring sinasabing "high level of unrest" sapagkat ang kumukulong putik ay nasa bibig na ng bulkan at maaaring magandang ang malakas na pagsabog sa loob ng ilang linggo o araw.
Patuloy pa rin ang pagbabawal sa mga taong pumasok sa Permanent Danger Zone na may layong anim na kilometro mula sa bibig ng bulkan at maging sa Expanded Danger Zone na pitong kilometro sa timog na bahagi ng bulkan.
Nagkaron ng 143 pagguho ng kumukulong putik at isang pagyanig ng lupa. Mayroon ding pagragasa ng mainit na usok sa Miisi, Matanag at maging sa Buyuan na pawang saklaw ng Permanent Danger Zone. Umabot na sa 3,293 tonelada ng sulfur dioxide ang nailabas bawat araw ng bulkan.
1 2 3 4 5