|
||||||||
|
||
Mambabatas, dapat magkasundo sa paraan ng pagboto sa pagbabago sa Saligang Batas
MARAPAT na magkasundo ang Senado at House of Representative kung boboto ng hiwalay o magkasama sa Charter Change. Ito ang sinabi ni Senate President Aquilino Pimentel III.
Mayroong parehong kalakaran sa mga panukalang pagbabago sa Saligang Batas. Kung hindi magkakasundo, walang anumang magaganap na pagbabago.
Kapwa prayoridad ng dalawang kapulungan ang charter change sa pagsusulong ng mga tauhan ni Pangulong Duterte na magkaroon ng federal form of government.
Nagkasundo ang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan na magkaroon ng constituent assembly upang mabago ang ilang bahagi ng Saligang Batas. Babasahin pa rin umano ni Senate President Pimentel ang ipinasang resolusyon sa Mababang Kapulungan kagabi.
Kung hindi magkasundo ang dalawang kapulungan, hindi malulutas ito kahit dalhin sa Korte Suprema sapagkat isyung politikal ang usapin, ayon naman sa pahayag ni dating Chief Justice Reynato Puno sa pagdinig sa Senado kanina.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |