|
||||||||
|
||
20180124melo.m4a
|
Pangulong Duterte, umalis patungong New Delhi
UMALIS kanina si Pangulong Rodrigo Duterte patungong India upang lumahok sa ASEAN-India Special Commemorative Summit at sa National Republic day sa darating na Biyernes.
Sa kanyang pagharap sa mga opisyal ng pamahalaan at mga mamamayahag sa Ninoy Aquino International Airport, sinabi ni Pangulong Duterte na maayos naman ang ASEAN sa larangan ng kalakal at pagtutulungan subalit may nakaliligtaan at ito ay ang programang lalaban sa terorismo at mga paglabag sa batas.
Mayroon umanong kakulangan ng pagtutulungan sa Celebes at Sulu seas at maging sa Moluccas at tanging Indonesia lamang ang abala sa pagsugpo sa terorismo sa karagatan.
Malawak ang karagatan at nakasasama sa Pilipinas sapagkat nadaragdagan ang mga pamimirata sa mga nakalipas na panahon. Kung hindi umano makakaya ng ASEAN na lutasin ang problema, makabubuting tawagan na at hingan ng tulong ang Tsina at hayaang maglunsad ng pananalakay tulad ng ginawa sa Somalia, sa Aden Strait.
Kung wala umano ang mga Tsino sa Somalia, hindi mapipigil ang mga pamimirata sa pook. Kung magpapatuloy ang mga piratang manalasa sa karagatan, lalayo ang biyahe ng mga magdaragat na mangangahulugan ng dagdag na panahon at konsumo ng krudo. Sa pagtaas ng gastos, tataas din ang hlaga ng mga kargamento at insurance premiums.
Nanawagan siya sa kanyang mga kasama sa ASEAN na bumuo ng programa upang masugpo ang terorismo, pamimirata at mga paglabag sa batas sa rehiyon. Mas pabor umano siya sa "hardline strategy" dagdag pa ng pangulo.
Kung hindi haharapin ang problemang dulot ng mga terorista, mananatiling mapanganib ang kapaligiran.
Mayroon pa umanong pagpupulong sa seguridad sa Australia at tinawagan siya ni Prime Minister Malcolm Turnbull na dumalo sa pagtitipon. Pag-uusapan ang pagtutulungan at pagbabahaginan ng impormasyon, dagdag pa ni G. Duterte.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |