Panukalang batas maglalaan ng limang taon at posibilidad na mahalal na muli
HINIHILING ng House Sub-Committee on Constitutional Amendments na magkaroon ng terminong limang taon ang isang pangulo at isang re-election sa ilalim ng federal form of government.
Sa pagpupulong kanina, sa ilalim ni Congressman Roger Mercado, pinagusapan ang nilalaman ng mga panukala ng apat na subcommittee na nagbabalik-aral sa Saligang Batas na ipinasa noong 1987. Pag-uusapan ito sa mabubuong constituent assembly.
Sa panukala, ang pangulo ang magiging pinuno ng bansa na kumakatawan sa desisyon ng mga mamamayan at pagkakaisa ng bansa. Magkakaroon ang pangulo ng oversight power sa lahat ng sangay ng pamahalaan, constitutional bodies, independent bodies, departments, agencies, offices at pinuno ng internatonal relations at foreign affairs, commander in chief ng Armed Forces of the Philippines ay may appointing, pardoning at residual powers. Magkakaroon ng terminong limang taon at posibleng magkaroon ng re-election.
1 2 3