UMABOT sa US$ 2.5 bilyon ang padalang salapi ng mga Filipino sa iba't ibang bansa noong nakalipas na Nobyembre.
Ito ang ibinalita ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa isang pahayag na inilabas ngayon. Tumaas ng 3.2% ang padalang salapi kung ihahambing sa naitala noong nakalipas na Nobyembre ng 2016.
Sa unang 11 buwan ng 2017, umabot na sa US$ 28.2 bilyon ang naipadalang salapi sa Pilipinas na kinatagpuan ng paglago ng 5.1%. Ayon kay Governor Nestor A. Espenilla, Jr. ang paglago sa personal remittances mula Enero hanggang Nobyembre ng 2017 ay dahilan sa paglago ng padalang salapi mula sa land-based workers na may mga kontratang higit sa isang taon (3.7 percent) at mga padala ng sea-based at land-based workers na may mga kontratang kulang sa isang taon na umabot sa 5.1%.
Ang cash remittances na idinaan sa mga bangko ay umabot sa 2.0 percent kung ihahambing sa nakalipas na taon at umabot sa US$ 2.3 bilyon noong Nobyembre ng 2017. Nanguna sa mga bansang pinagmulan ng malaking salapi ang Estados Unidos na nagkaroon ng 1.1% point contribution, Germany na nagkaroon ng 0.9 percentage point. Ang cash remittances sa pagtatapos ng Nobyembre ay umabot sa US$ 25.3 bilyon na kumakatawan sa 4.0% na dagdag mula sa antas noong 2016.
Ang pinagmulan ng malaking bahagi ng cash remittances sa 11 buwan ng 2017 ay Estados Unidos, United Arab Emirates, Saudi Arabia, Singapore, Japan, United Kingdom, Qatar, Kuwait, Germany at Hong Kong. Ang pinagsanib na remittances mula sa mga bansang ito ay umabot sa 80.2 percent ng buong cash remittances.
1 2 3