|
||||||||
|
||
Mga progresibong mambabatas, pinag-aaralan ang reklamo laban kay Defense Secretary Lorenzana
PINAG-AARALAN ng mga progresibong mambabatas ang pagpaparating ng reklamong katiwalian laban kay Defense Secretary Delfin Lorenzana sa pakikialam umano sa P 15.7 bilyong frigate acquisition project ng Philippine Navy.
Ayon kay Alliance of Concerned Teachers – Teachers Party List Representative Antonio Tinio, bahagi ng pito kataong Makabayan Bloc, ginagawa na nila ang masusing pag-aaral sa posibleng usapin.
Sinabi ni G. Tinio na sinabi na ni G. Lorenzana na sinangayunan niya ang whote paper na pumapabor sa isang kumpanya mula sa Timog Korea. Tumanggi na si Special Assistant to the President Bong Go na may kinalaman siya sa papel at sinabi na ni Secretary Lorenzana na sumangayon siya sa paniniwalang galing kay Bong Go ang dokumento.
Binanggit na ni G. Lorenzana na kumilos lamang siya sa paniniwalang galing kay G. Go ang dokumento.
Sa paniniwala ni G. Tinio, sa ginawa pa lamang ni Secretary Lorenzana ay maaari na siyang ireklamo ng graft.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |