Deputy Ombudsman Carandang, suspendido
KINASUHAN at isinailalim sa preventive suspension si Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang. Tatagal ang suspension ng 90 araw.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pormal na kinasuhan ng Office of the Executive Secretary si G. Carandang ng "grave misconduct" at "grave dishonesty" sa hindi autorisadong paglalahad ng sinasabing bank account ni Pangulong Duterte at ng kanyang pamilya.
Nagmula ang reklamo kina Atty. Manolito Luna at Elijio Mallari na ipinarating sa Office of the President. Ayon kay Secretry Roque, tanging ang Ombudsman lamang ang sasailalim sa impeachment samantalang ang deputy ombudsman ay matatanggal ng pangulo.
1 2 3