![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
20180122 Melo Acuna
|
HIGIT na lumala ang kalagayan ng Bulkang Mayon matapos itong magbuga ng mga bato at kumukulong putik bago sumapit ang ala-una ng hapon kanina. Sa pangyayaring ito, itinaas ng mga dalubhasa sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang Alert Level sa ika-apat na antas na nangangahulugang mayroong mapaminsalang pagsabog na magaganap sa mga susunod na oras o araw.
BULKANG MAYON, SUMABOG NA NAMAN. Patuloy na minamatyagan ng mga dalubhasa sa pamahalaan ang mga ikinikilos ng Bulkang Mayon tulad ng pagsabog kanına. Nakarating ang sok mula sa bibig ng bulken sa taas na limang kilometro. Makikita ang mga mamamayan ng Camalig, Albay na lumabas ng kanilang taranan upang masadan ang pagsabog. (Contributed Photo)
Ayon kay G. Ed Laguerta, resident volcanologist ng Phivolcs sa Lignon Hill sa Legazpi City, tumagal ang pagsabog ng may walong minuto na kinakitaan ng pagbaba ng mainit na usok patungo sa mga bayang nasasakupan ng Camalig at Guinobatan. Hinihintay pa ni G. Laguerta ang pelikulang nakuha mula sa hilagang bahagi ng bulkang Mayon, sa bahaging saklaw ng Tabaco City.
PHIVOLCS MAY SAPAT NA TAUHAN. Sinabi ni G. Ed Laguerta, resident volcanologist ng PHIVOLCS sa Legazpi City na may spat slang tauten at kagaimtan sa pagbabantay sa Mt. Mayon. (Melo M. Acuna)
Idinagdag ni G. Laguerta na pinalaki na nila ang saklaw ng mapanganib na bahagi ng bulkan sa walong kilometro mula sa bibig ng 2,462 metrong bulkan.
Tumaas din ang bilang ng mga pagyanig sa loob ng bulkan, paglabas ng kumukulong putik at mga pagsabog mula sa labi ng bulkan.
Pinayuhan ang madlang huwag mangangahas na pumasok sa deklaradong danger zones. Nabalita rin ang pag-ulan ng abo sa Ligao City, may 35 kilometro mula sa Legazpi City.
Pinayuhan na rin ang mga piloto na huwag lumapit sa bibig ng bulkan sa panganib na magbuga ito ng abo na makapipinsala sa mga makina ng eroplano. Mayroon pa ring halos 26,000 mga evaucuees sa iba't ibang evacuation centers. Nagmula ang evacuees sa mga barangay na nanganganib sa pagsabog ng bulkan.
Gobernador Bichara, humingi ng tulong sa pamahalaang Duterte
NANAWAGAN si Albay Governor Al Francis Bichara sa National Disaster Risk Reduction and Management Council sapagkat paubos na ang kanilang ipamamahaging mga pagkain sa nadaragdagang bilang ng evacuees.
KAILANGAN NG ALBAY NG TULONG MULA SA MAYNILA. Kailangan ng salapi ng Albay upang tugunan ang pangangailangan ng mga evacuee. Sa panayam, sinabi ni G. Bichara na paubos na ang kanilang resources sa pagdagsa ng mga mamamayang nasa mapanganib na pook. (Melo M. Acuna)
Kulang na ang mga maskara. Nangangamba si Gobernador Bichara na magtatagal ang pagsabog ng bulkan. Makabubuting magpadala na ng salapi ang NDRRMC at bahala na silang maglabas ng kwenta kung paano nagastos ang salapi. Wala pa namang balitang may nagkaksakit sa mga lumikas. May mga pananim na napinsala sa apat na bayan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |