|
||||||||
|
||
Communications Secretary Andanar, tumangging kinakatawan ng social media posts ni Mocha Uson ang buong makinarya
INILIPAT na ng piitan si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon sa Pasay City jail matapos tumangging makiisa sa imbestigasyon hinggil sa tara system sa Bureau of Customs.
SINABI ni Communications Secretary Martin Andanar na 'di makatarungang husgahan ang buong communications machinery ng pamahalaan sa mga social media post ng kontrobersyal na Assistant Secretary na si Mocha Uson.
Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate public informtion committee hinggil sa fake news, sinabi ni G. Andanar na ang Facebook account ni Mocha Uson ay 'di kumakatawan sa Presidential Communications Operations Office.
Sinabihan na raw umano ni G. Andanar si Mocha Uson na ang anuman inilalagay niya sa social media ay 'di kumatawan sa PCOO. Inanyayahan din si Bb. Uson sa pagdinig subalit 'di sumipot sapagkat may nauna umanong appointment.
Sinabi naman ni Senador Paolo Benigno Aquino IV na sa katotohanan ang mga inilalagay ni Uson sa social media ay kumakatawan sa buong PCOO.
Ayon kay Senador Aquino, sa pagkakaroon ng higit sa 1,000 kawani, maaayos pa rin ang problema. Inamin ni G. Andanar na ilang ulit na niyang ipinatawag si Bb. Uson kaya't inalis na niya ang ilan niyang postings. Sinabi rin ni G. Andanar na hindi niya mapagbabawalan si Bb. Uson sa kanyang paglalalagay sa social media sapagkat mayroon siyang kalayaang magsabi ng kanyang paniniwala.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |