|
||||||||
|
||
Liberalisation, Privitisation at Deregulation, pahirap sa mamamayan
HINDI kailanman magaganap ang sinasabing "trickle down effect" sa larangan ng ekonomiya. Ito ang sinabi ni Bb. Mae Buenaventura, vice president ng Freedom from Debt Coalition sa idinaos na "Tapatan sa Aristocrat" kanina.
PROGRAMANG NADARAMA NG MGA MAMAMAYAN ANG KAILANGAN. Ito ang sinabi ni G. Carlos Yturzaeta, isang dating opisyal ng PNOC-Petron na sumailalim sa privitization. Sa idinaos na "Tapatan sa Aristocrat," sinabi din ni Bb. Mae Buenaventura, vice president ng Freedom from Debt Coalition na kahit ang IMF ay nagsabing walang "trickle down" effect ang kaunlaran. (Melo M. Acuna)
Ipinaliwanag naman ni G. Carlos Yturzaeta, isang dating opisyal ng Philippine National Oil Company at Petron na nagtagumpay ang privitization ng Petron subalit pinanatili pa rin ng Pilipinas ang nalalabing 60%.
Kahit naman nagkaroon ng deregulation, mahal pa rin ang gasolina sa Pilipinas.
KAHIT MAY TRAHEDYA, MAGANDA PA RIN ANG EKONOMIYA. Hindi umano maasahan ang growth rates na ibinabalita sapagkat sunod-sunod ang trahedyang natamo ng Pilipinas noong 2013 subalit maganda pa rin ang growth rates. ito ang sinabi ni Dr. Rene Ofreneo dating dekano ng UP SOLAIR. (Melo M. Acuna)
Para kay Dr. Rene Ofreneo, mangilan-ngilan lamang na pamilya ang nagtatamasa sa biyaya ng kalakal sa ilalim ng privitisation at deregulation. Nakikita umano ang papel ng pamahalaan sa mga kumpanyang nasa Singapore na may kapital sa kuryente, transportasyon at iba pang mahahalagang kalakal.
Niliwanag naman ni Bb. Buenaventura na isang mahalagang commodity ang tubig na isinailalim sa privitization. Para kay G. Yturzaeta, hindi papasok ang pribadong kumpanya sa mga kalakal na ito kung walang nakikitang tubo.
Mas makabubuting maglaan ng kaukulang pagsusuri at pag-aaral ang pamahalan sa mga daang nais tahakin upang higit na umunlad ang bansa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |