KAHIT pa bumaba ang sulfur dioxide gas na ibinubuga ng bulkang Mayon, naroon pa rin ang panganib. Hindi pa rin humuhupa ang eruptive stage ng bulkan.
NAGBABANTAY PA RIN ANG PHIVOLCS. Bagama't bumaba ang inilalabas na sulfur dioxide ng Mayon, hindi ito nangangahulugang humuhupa na ang pagputok nio. Ito ang niliwanag ni G. Ed Laguerta, resident volcanologust ng PHIVOLCS sa Lignon Hill Observatory. (File Photo)
Ito ang sinabi ni Ed Laguerta, resident volcanologist sa Lignon Hill Observatory sa isang press briefing kanina. Ayon kay G. Laguerta, umabot na lamang sa 1,583 toneladang sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan at wala na sa kalahati ng inilabas na 3,066 na tonelada noong nakalipas na Huwebes. Nangangahulugan lamang itong walang umaakyat na kumukulong putik patungo sa bibig ng bulkan.
Ito ang napupuna ng mga dalubhasa sa nakalipas na tatlong araw at 'di pa umano sapat upang sabihing nababawasan na ang panganib na maidudulot ng bulkan. Kailangang magpatuloy ang ganitong kalakaran sa loob ng isang linggo upang masabing walang bagong kumukulong putik na papalapit na naman sa bibig ng bulkan.
Sa panig ni Science and Technology Undersecretary Renato U. Solidum, Jr., hindi pa nangangahulugan ang pagbaba ng sulfur dioxide output na bumabalik na sa normal ang pinaka-aktibong bulkan sa Pilipinas.
1 2 3