|
||||||||
|
||
Mga manggagawang Pinoy, nakabalik na mula sa Kuwait
HIGIT sa 100 mga manggagawa na nakinabang sa amnesty na inialok ng Kuwait sa lahat ng illegal residents ang dumating na sa Pilipinas. Karamihan sa 113 manggagawa na dumating sa NAIA kanina at mga undocumented workers na tumakas mula sa kanilang mga amo.
Makatatanggap sila ng P 5,000 bilang financial assistance at P 15,000 bilang livelihood assistance. Ang mga may anak na kasamang bumalik sa Pilipinas ay makatatanggap ng dagdag na P 5,000.
Isang umuwi sa bansa ang nagsabing iisang buwan lamang siyang nagtrabano sa Kuwait matapos pakainin siya ng basura ng kanyang pinaglilingkuram.
May isang umuwi na nagsabing tumagal siya ng walong taon upang matustusan ang pag-aaral ng kanyang mga anak.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |