|
||||||||
|
||
Kinabukasan ni Chief Justice Sereno nasa kamay ng Kongreso
BAHALA na umano ang Kongreso kung aalisin o hindi sa kanyang puwesto si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ginawa niya ang pahayag matapos hilingin ng isang dating associate justice ng Court of Appeals at ngayo'y mambabatas, na bawiin na ni Pangulong Duterte ang appointment ni Chief Justice Sereno.
Magugunitang binanggit sa isang panayam kay Congressman Vicente Veloso na maaaring bawiin ni Pangulong Duterte ang pagkakahirang kay Sereno bilang chief justice matapos 'di makapagsumite ng kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) sa nakalipas na 10 taon nang siya ay mag-apply para sa pagiging punong mahistrado noong 2012.
Magugunitang sinabi ni Congressman Veloso na hindi mapatatalsik ng Korte Suprema ang punong mahistrado at nararapat magkaroon ng usapin at pahayag na lamang ipagtanong ni CJ Sereno sa hukuman ang magiging aksyon ni Pangulong Duterte kung sakaling bawiin ang kanyang appointment.
Naninsigan ang kampo ni Chief Justice Sereno na tumugon sila sa lahat ng SALN requirement ng Judicial andBar Council.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |