|
||||||||
|
||
Estados Unidos, naglaan ng P 5.2 milyon para sa mga biktima ng bulkang Mayon
MGA LARAWANG KUHA SA EVACUATION CENTERS SA ALBAY. Makikita ang mga lumikas mula sa paanan ng bulkang Mayon samantalang naghiintay ng relief goods na ipamamahagi ng iba't ibang ahensya at non-government organisations. Karaniwang marikina ang mga truck na nagdadala ng pagkain at karaniwang kailangan ng evacuees. (File Photos/Melo M. Acuna)
NANGAKO ang Estados Unidos sa pamamagitan ng United States Agency for International Development (USAID) ng may P 5.2 milyon bilang emergency assistance upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga biktima ng bulkang Mayon na nagsimulang pumutok noong ika-13 ng Enero.
Ito ang kasunod ng deklarasyon ng pamahalaang panglalawigan ng State of Calamity.
Ang Office of Foreign Disaster Assistance, sa tulong ng pamahalaang Filipino, ang mamamahagi ng vouchers sa mga pamilya na bibili ng mga kailangan sa tahanan at hygience kits upang mapahusay ang kanilang kalagayan at maiwasan ang pagkalat ng sakit sa evacuation centers.
Magtatayo din ng mga palikuran, mga paliguan at paglalabhan ang USAID. Makatutulong ang halaga sa may 4,000 katao.
Ayon kay US Ambassador to the Philippines Sung Kim, sa nakalipas na sampung taon, nakapagbigay na ang kanyang pamahalaan ng may US$ 277 milyon o P 14.4 bilyon sa mga biktima ng mga kalamidad sa bansa.
Makikipagtulungan ang USAID sa mga nasa pamahalaan ng Pilipinas at sa relief agencies sa Albay upang mabantayan ang humanitarian situation at maparating ang tulong sa higit na nangangailangan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |