Suspensyon ng klase, pinag-aaralan ng pamahalaan
BAKA masuspinde ang klase sa lahat ng antas sa buong linggo sa Metro Manila kung itutuloy ng PISTON ang kanilang pag-aaklas na sinimulan kaninang umaga sa kanilang tigil-pasada.
Ani Presidential Spokesman Harry Roque kung matutuloy ang pagkilos na ito, malaki ang posibilidad na masuspinde na ang klase hanggang Biyernes, ika-23 ng Marso.
Samantalang walang opisyal na pahayag ang Malacanang, ipinaliwanag ni Secretary Roque na makapagdedesisyon na ang mga pamahalaang lokal.
1 2 3 4