|
||||||||
|
||
20180314melo.m4a
|
Pilipinas, bumitiw na sa International Criminal Court
AALIS na ang Pilipinas mula sa International Criminal Court rome Statute dahilan umano sa mga pagtuligsa ng mga opisyal ng United Nations at paglabag sa proseso ng batas ng ICC.
Magugunitang sinabi ng ICC noong ikawalo ng Pebrero na nagsimula na sila ng preliminary examination sa reklamo ni Atty. Jude Sabio na nag-akusa kay Pangulong Duterte at kanyang mga kasamahan ng krimen laban sa sangkatauhan sa walang humpay na kampanya laban sa ilegal na droga na ikinasawi ng libu-libo katao.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na totoo ang pag-alis ng Pilipinas at magkakabisa sa pinakamadaling panahon.
Bagama't hindi nilagdaan ni Pangulong Duterte ang pahayag, sinabi ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na totoo ang pahayag.
Walang katuturan at basehan ang mga akusasyon laban sa pangulo, dagdag pa ng pahayag.
Wala pang sagot ang mga taga-usig mula sa International Criminal Court. Ayon sa pulisya, nakapaslang sila ng may 4,100 drug dealer sa mga barilang naganap. Tumanggi rin ang pulisya na may koneksyon sila sa mga armadong pumatay ng may 2,300 gumagamit ng droga at mga nagbibili nito.
Unang naghamon si Pangulong Duterte na ipagsakdal siya sa ICC at handang mabulok sa bilangguan upang mailigtas ang milyon-milyong Pilipino mula sa droga. Sinabi rin niyang handa siyang magpabaril sa halip na mabilanggo. Hindi nagtagal, nagbago ang kanyang pahayag at nagsabing hurisdiksyon ang ICC sa kanya.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |