|
||||||||
|
||
Secretary Aguirre, humingi ng paumanhin sa kanyang mga tauhan
HUMINGI ng paumanhin si Secretary Vitaliano Aguirre II sa kanyang mga tagausig na ipinag-utos niyang siyasatin dahil sa kanilang resolusyong pawalang-saysay ang usapin laban sa mga sinasabing drug personalities na sina Peter Lim at Kerwin Espinosa.
Batid umano niyang nasaktan ang kanyang mga tagausig na saklaw ng kanyang tanggapan sa kanyang kautusan na kanyang ginawa sa pagkadismaya ng madla sa desisyon.
Ayon sa kanyang Department Order 152 na nakarating sa media noong Miyerkoles, inutusan niya at inatasan si NBI Director Dante Gierran na alamin kung may maikakaso sa kanyang mga prosecutor.
Sa resolusyon noong nakalipas na ika-20 ng Disyembre, pinawalang-sala sina Lim, Espinosa at ang convicte drug lord na si peter Co at ilang mga tao sa drug trading na nilagdaan nina Assistant State Prosecutor Michael John Humarang at Aristotle Reyes.
Inirekomenda ni OIC Senior Deputy Sate Prosecutor Rassendell Rex Gingoyon na sangayunan ang desisyon at nilagdaan naman ni Acting Prosecutor Genral Jorge Catalan ang rekomendasyon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |